Saturday, January 9, 2010

isang repleksyon habang nanonood ng Enchanged sa Disney Channel

Ang "x" ay isang uri ng kaalaman at karanasan kung saan kailangang magtaya sa hinding-hindi mo talaga malalaman at mararanasan (structure of religious experience). Sa x, tila a priori ang kabiguan at ang kamangmangan dahil may ibang uri itong katwiran (mga nibel ng pananampalataya at pagtataya- San Agustin). Maitutulad ito sa pagtalon sa dagat sa kung saan hindi mo alam kung makatatawid ka (penomenolohiya- hermeneutikong bilog). Ang tanging sigurado ay mababasa ka't kakailanganin mong lumangoy (existential circle- moment of grace). Sa x, lahat ay maaaring maging makahulugan sapagkat ang lahat ay nakasalalay sa iyong pagtataya (naming God). Tulad ng sa pagtalon sa dagat, maski ang ang iyong tatalunin ay hindi mo alam dahil hindi mo alam kung ano ang dagat at ang abot-tanaw (wounded "word"). Naglalaho sila sa isa't isa at hanggang dito'y kakailanganin pa ring magtaya (trial by ordeal).

No comments: